^

Metro

Parak patay sa ex-cop na holdaper

-
Nasawi ang isang kagawad ng Manila Police District (MPD) matapos itong barilin ng isang dating pulis na holdaper sa isang checkpoint, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Mary Johnston Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si PO3 Orlando Balasta, 32, nakatalaga sa MPD Station 1 at residente ng Gatmaitan St., Tondo, Manila.

Kaagad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspect na si PO2 Rosvelando Cruz, 32, dating miyembro ng Eastern Police District at naninirahan sa 2008 Velasquez St., Tondo at kasama nitong si Jayson Llance, 25.

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO2 Edgardo Ko, may hawak ng kaso na bandang alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng R-10 at Capulong St. Tondo.

Nauna rito, kasalukuyan umanong binabagtas ni Dante Hernandez, driver ng Ken Ken Taxi ang kahabaan ng Kalentong Shaw Boulevard ng parahin siya ng mga suspect at nagpahatid sa Juan Luna, Tondo, subalit pagsapit sa naturang lugar ay pinabalik ng mga ito ang una dahil sa may naiwan umano sila.

Ilang sandali pa ay bigla na lamang umanong nagdeklara ng holdap ang mga suspect at kaagad na kinuha ang kita ni Hernandez na umaabot sa P1,467 at saka mabilis nitong ibinaba si Hernandez sa naturang lugar at saka tinangay ang minamaneho nitong taxi.

Mabilis namang nakapag-report sa isang checkpoint sa may Northbay Boulevard si Hernandez.

Tiyempo naman na dito napadaan ang mga suspect na hinabol naman ng pulis na si Balasta.

Nang magkatapat na ang sasakyan ng mga suspect at ng scooter na sinasakyan ni Balasta ay biglang binaril ng mga suspect ang huli na naging dahilan ng kamatayan nito.

Nakorner naman ng iba pang nagrespondeng pulis ang mga suspect kung saan nadakip ang mga ito. Narekober sa mga nadakip ang isang 9mm na baril at isang balisong na ginagamit nila sa panghoholdap. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

BALASTA

CAPULONG ST. TONDO

DANTE HERNANDEZ

EASTERN POLICE DISTRICT

EDGARDO KO

GATMAITAN ST.

GEMMA AMARGO-GARCIA

HERNANDEZ

JAYSON LLANCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with