^

Metro

Laban ni Pacquiao pinagtalunan: 1 todas

-
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang obrero ang kanyang kapwa obrero makaraang magtalo hinggil sa nalalapit na laban ni Manny "Pacman" Pacquiao, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa Quezon City General Hospital (QCGH) sanhi ng 10 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ernesto Sulla, 27, at residente ng #1031 Sabitan Ext. Proj. 7, Quezon City.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Boboy na mabilis na nakatakas matapos ang pananaksak.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:20 ng gabi sa kahabaan ng Road 8, Dangay St., Brgy. Veterans Village ng nabanggit na lungsod.

Nag-iinuman ang biktima kasama ang iba pang kaibigan nang komprontahin ng suspect hinggil sa nalalapit na laban ni Pacquiao sa Mexican na si Erik Morales.

Lumilitaw na panig ang biktima kay Pacquiao, habang kay Morales naman ang suspect.

Dala ng kalasingan, hindi nagpatalo ang biktima hanggang sa mapikon ang suspect at humantong sa pananaksak ng huli. (Doris Franche)

vuukle comment

BOBOY

DANGAY ST.

DORIS FRANCHE

ERIK MORALES

ERNESTO SULLA

PACQUIAO

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

SABITAN EXT

VETERANS VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with