^

Metro

Hinuhuling traffic enforcers sa Makati pipiyansahan ng MMDA

-
Handa ang Metropolitan Manila Development Authority na piyansahan ang mga traffic enforcers na ipaaresto ng Makati City government kapag naaktuhan na naniniket sa kanilang hurisdiksiyon dahil ginagampanan lamang ng mga ito ang kanilang trabaho.

Nagtalaga si MMDA General Manager Robert C. Nacianceno ng grupo para magbigay ng tulong sa mga traffic enforcer na dadakpin sakaling ipursige ng Makati Police ang direktiba ng Makati City government.

Minaliit ng MMDA ang mga banta ni Makati Mayor Jejomar Binay na pag-aresto sa mga traffic enforcers ng ahensiya sa kanilang hurisdiksiyon sakaling mahuling nag-iisyu ng Traffic Violation Receipts (TVR) sa mga traffic violators.

Walang plano si MMDA Chairman Bayani F. Fernando na i-pull out sa kanilang puwesto ang mga nakatalagang traffic enforcer ng MMDA sa financial district ng bansa sa kabila ng banta ni Binay na dakpin at ikulong ang mga ito dala ng paglabag sa batas.

Sinabi ng MMDA chief, maaaring kasuhan si Binay ng abuse of discretion and violations of RA 6713 or norms of conduct of public officials kapag itinuloy ang pag-aresto ng mga MMDA traffic enforcers.

Iginiit ni Fernando na malinaw na nakapaloob sa functions ng MMDA ang pagpapatupad ng maayos na daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay Fernando, mananagot ang mga enforcers na aalis sa kanyang puwesto dahil kakasuhan sila ng abandonment of post. (Lordeth Bonilla)

BINAY

CHAIRMAN BAYANI F

FERNANDO

GENERAL MANAGER ROBERT C

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

MAKATI POLICE

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with