Fil-Chinese trader kinidnap
January 14, 2006 | 12:00am
Isang negosyanteng Tsinoy ang hinihinalang dinukot na naman ng mga hindi pa nakikilalang lalaki na armado ng matataas na kalibre ng baril at nagpaputok pa sa ere upang manakot, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Manila.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng tanggapan ni P/Supt. Rolando Miranda, hepe ng Criminal Investigation Detection Unit (MPD-CIDU) sa pagtangay sa biktimang si Romy Chua, may-ari ng isang Auto Supply at residente ng #2459 Severino St., Sta. Cruz.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi nang harangin ng mga suspect si Chua habang naglalakad papauwi sa may Severino St., Sta. Cruz. Armado umano ang mga suspect ng mga hand-gun at M-16 armalite rifle.
Ayon sa mga saksi, pilit na pinapahawak ng mga suspect ang isang envelope kay Chua na inilagay naman nito. Mabilis umanong isinakay sa isang puting Mitsubishi Adventure (XCF-296) si Chua bago tumakas.
Dalawang beses pang nagpaputok ang mga suspect upang manakot sa mga nakasaksi bago tumakas. Narekober naman ng mga imbestigador ang mga basyo ng bala sa pinangyarihan ng insidente.
Ayon sa asawa ng biktima na si Esmeralda, 37, minsan na umanong nakarnap ang kanilang sasakyan habang minamaneho ito ng kanyang mister sa Quezon City noong isang taon. Dahil dito, naniniwala ang ginang na may kaugnayan umano sa pera ang naging sanhi para dukutin ang kanyang asawa.
Hindi naman naniniwala si Miranda na kaso ng kidnapping ang naganap. Sinabi nito na posibleng mga pulis din ang may kagagawan ng insidente dahil sa uri ng mga baril na gamit ng mga ito. Maaari umano na may kaso si Chua at inaresto lamang ito ng mga pulis.
Malaking palaisipan naman kung bakit hindi pa lumulutang ang pagkaaresto kay Chua kung pulis nga ang dumakip dito kaya malakas ang ispekulasyon na posibleng insidente nga ito ng kidnapping o hulidap. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended