^

Metro

3 carjacker na napatay kilala na

-
Nakilala na ng mga awtoridad ang tatlong carjacker na napatay sa shootout noong Martes ng gabi sa Mindanao, Ave. Quezon City.

Ang mga ito ay sina Lovilin Sabino y Mata, 31; Noel Garcia y Columna, 34 at Manuel Sumayay, 33.

Ayon kay Supt. Roger James Brillantes, hepe ng Quezon City Police District-District Intelligence and Investigation Division (QCPD-DIID), ang mga suspect ay pawang mga miyembro ng Kalapati-Bonnet Gang at Pagdanganan carjacking syndicate.

Sinabi ni Brillantes na matagal na nilang minamanmanan ang grupo subalit natiyempuhan lamang ito noong Martes ng gabi at nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad.

Matatandaan na bago maganap ang shootout ay biniktima muna ng grupo ang isang Marvin Luz na inagawan ng Isuzu Crosswind na kulay coppertone at may plakang XTF-526 . Agad na nagreport si Luz tungkol sa insidente kung kaya’t naglagay ng checkpoints ang mga awtoridad.

Kasunod ay nagkaroon na ng palitan ng putok na nagresulta ng pagkakatimbuwang ng tatlong suspect.

Target ng grupo ang mga sasakyang mga Special Utility Vehicle (SUV). Narekober sa mga suspect ang isang hand grenade, dalawang.38 revolver at isang 12 gauge shotgun at mga bala. (Doris Franche)

vuukle comment

DORIS FRANCHE

ISUZU CROSSWIND

KALAPATI-BONNET GANG

LOVILIN SABINO

MANUEL SUMAYAY

MARVIN LUZ

NOEL GARCIA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with