Bus nagliyab sa EDSA
January 14, 2006 | 12:00am
Nabalot ng tensiyon ang mga pasahero ng isang bus makaraang bigla na lang itong magliyab habang tumatakbo sa kahabaan ng EDSA sa Mandaluyong City.
Ayon kay FO2 Marcos Cabiso, dakong alas-9:15 ng umaga nang bigla na lang magliyab ang Admiral Transport bus na may plakang TWD-140 na patungong Baclaran sa harap ng Starmall na matatagpuan sa kanto ng Shaw Blvd. at Crossing ng lungsod na ito.
Ayon kay Roger Belga, driver ng nasabing bus, kasalukuyan silang tumatakbo nang bigla na lang lumabas ang makapal na usok mula sa makina at nagsimulang lumiyab.
Dahil dito, agad na nag-panic at nagtalunan ang mga pasahero sa bus at hindi na hinintay pa itong makahinto.
Mabilis namang kumalat ang apoy hanggang sa tuluyan nang lamunin ang buong bus sa loob lang ng labing-limang minuto.
Lumalabas sa paunang imbestigasyon na nag-overheat ang makina ng bus na naging dahilan ng pagkasunog nito. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest