Motorsiklo inararo ng van: Pulis patay, 1 pa sugatan
January 14, 2006 | 12:00am
Isang bagitong pulis ang namatay, habang nasa malubha namang kalagayan ang kasamahan nito makaraang araruhin ng isang van ang mga motorsiklo ng mga ito, kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.
Patay na nang idating sa Medical City Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si PO1 Reynaldo Balanza, 28, ng Nueve de Pebrero, Mandaluyong City, habang kasalukuyan namang nasa malubhang kalagayan sa nasabi ring pagamutan ang kasamahan nitong si PO1 Jester Estrella. Masuwerte namang hindi inabot ang isa pa nilang kasamahan na si PO1 Ardee Yap, pawang nakatalaga sa Eastern Police District (EPD) Annex District Mobile Force.
Kusang loob namang sumuko sa pulisya ang suspect na si Carlito Olazo, 23, ng Las Piñas City at driver ng Isuzu van na nakabangga sa mga biktima.
Ayon kay SPO2 Manuel Umaguing, naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng madaling araw habang nagpapatrulya ang mga biktima sa kahabaan ng Ortigas Avenue East-bound sakay ng kani-kanilang mga motorsiklo.
Napag-alaman na napansin ni Yap na nawala sa ayos ang lalagyan ng kanyang cellphone kaya sinenyasan nito ang mga kasamahan na pansamantalang tumabi upang ayusin ito.
Eksakto namang paparating ang Isuzu Reefer na may plakang LWG-749 na minamaneho ng suspect at sinuyod ang mga motorsiklo ng mga biktima.
Tumilapon sa gutter at tumama ang ulo ni Estrella, samantalang nakaladkad naman ng ilang metro si Balanza ng nasabing trak.
Inihahanda na ang kaso laban sa suspect. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest