^

Metro

Ina kinatay ng anak

-
Bunga umano ng pagbalewala sa kanyang kaarawan, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng anak ang kanyang sariling ina at ikinasugat pa ng kanyang amain, kahapon ng umaga ng Friday the 13th sa Quezon City.

Patay na nang idating sa East Avenue Medical Center ang biktima na si Rebecca Cabuay, 46, fish vendor, habang nasa kritikal namang kondisyon sa Capitol Medical Center ang live-in partner nito na si Danilo Melchor, 56, kapwa residente ng #27 Mapagbigay St., Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Nakakulong naman sa QC Police District- Criminal Investigation Division ang suspect na si Larry Cabuay, 17, ng nabanggit ding lugar.

Ayon sa ulat ni PO3 Mario Turiano, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw sa bahay mismo ng mga biktima at suspect.

Lumilitaw na bago nangyari ang insidente ay nagkaroon muna ng pagtatalo ang suspect sa step-sister nitong si Rowena Melchor nang umuwi ang una buhat sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Nagsumbong si Rowena sa ama hanggang sa komprontahin ng huli ang suspect na naging dahilan ng pananaksak nito sa kanyang amain.

Dahil sa komosyon nagising naman ang ina ng suspect hanggang sa ito naman ang pinagbalingan ng huli at paulit-ulit na pinagsasaksak.

Sa pahayag ng suspect, malaki ang tampo nito sa sariling ina na maging ang kanyang kaarawan ay nakalimutan matapos na magkaroon ng bagong pamilya. (Doris Franche)

vuukle comment

CAPITOL MEDICAL CENTER

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DANILO MELCHOR

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

LARRY CABUAY

MAPAGBIGAY ST.

MARIO TURIANO

POLICE DISTRICT

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with