Tinatayang nasa anim hanggang pitong buwang gulang ang natagpuang fetus bandang alas-6 ng umaga sa creek sa Brgy. Unang-Sigaw, Quezon City.
Ayon sa report, isang nagngangalang Gilberto Castellano, residente sa lugar, ang nagsasalok ng tubig at napadaan sa creek at napansin ang isang bag.
Sa pag-aakalang may mapapakinabangan ay agad niya itong kinalkak subalit laking gulat niya nang makitang dalawang fetus kayat agad niya itong inireport sa pulisya na mabilis namang nirespondehan ng SOCO team.
Naniniwala ang mga awtoridad na posibleng kambal ang dalawang fetus na itinapon lamang ng isang abortionist sa naturang lugar.
Inilagak ang mga labi ng fetus sa Prudential Funeral Homes para mabigyan ng maayos na libing. (Doris Franche)