Hold Departure Order vs Jaylo hiniling
January 13, 2006 | 12:00am
Hiniling ng Department of Justice sa korte na magpalabas ng Hold Departure Order (HDO) laban kay Capt. Reynaldo Jaylo.
Ang aksyon ng DOJ ay alinsunod sa kahilingan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Batay sa apat-na-pahinang Ex-parte Manifestation na inihain ni DOJ Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco sa Manila Regional Trial Court Branch 28, nais nito na magpalabas na ng HDO laban kay Jaylo upang mapigilan ang anumang tangka nito na makapuslit palabas ng bansa upang makaiwas sa kamay ng batas.
Ayon pa sa DOJ, sa kabila ng inilabas na warrant of arrest ng mababang korte noong Disyembre 29, 2005 ay patuloy na nagtatago si Jaylo.
Batay umano sa natanggap nilang intelligence report, nagtatago umano si Jaylo sa ilang lugar sa Central Luzon at naghahanda na umanong tumakas palabas ng bansa.
Bunga nito, dapat na anyang utusan ng Manila RTC ang Bureau of Immigration na isailalim sa Hold Departure Order si Jaylo upang mapurnada ang balak nito.
Si Jaylo ay nahaharap sa anim na kasong serious illegal detention na isang non-bailable offense.
Una nang nagpahayag ng pangamba ang NBI na nakatakas na umano si Jaylo at posibleng nakalabas na ito ng bansa dahil sa kawalan ng HDO laban kay Jaylo. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended