Obrero dedo sa elevator
January 12, 2006 | 12:00am
Halos mapugot ang ulo at agad na nasawi ang 19-anyos na factory worker makaraang maipit ang leeg nito sa elevator ng factory na kanyang pinapasukan, kahapon ng tanghali sa Malabon City.
Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Manila Central University (MCU) ang biktimang si Rommel Lapuz, stay-in worker sa Camella Food Manufacturing na nasa 90 Camias St., Alvina Subdivision ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng tanghali kahapon sa loob ng elevator ng nasabing factory sa nabanggit na lugar.
Nabatid na naghahakot ang biktima ng mga raw materials mula sa stock room ng factory sa second floor ng gusali.
Kapapasok lamang umano ng biktima sa elevator at nahulog ang mga tangan nitong materyales at nang yumuko ito upang damputin ang mga nahulog ay biglang sumara ang pintuan ng elevator.
Dahil dito naipit ang leeg ng biktima at mula sa second floor ay kinaladkad ito ng elevator patungo sa ground floor ng gusali.
Halos humiwalay ang ulo ng biktima sa tindi ng pagkakaipit sanhi upang hindi na ito umabot nang buhay sa pagamutan.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matiyak na walang nangyaring foul play sa naganap na insidente. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest