P1 taas pasahe sa tricycle sa QC
January 11, 2006 | 12:00am
Tataas ng piso ang singil sa pasahe sa lahat ng pampasaherong tricycle na pumapasada sa Quezon City.
Ito ay makaraang aprubahan ng Quezon City Council ang panukalang ordinansa na humihiling para sa fare increase sa mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa QC.
Ang pagkilos ng Konseho ay batay naman sa isinampang petisyon ng ibat ibang tricycle group sa Tricycle Regulatory Unit (TRU) bunsod ng epektong dulot ng pagtaas ng halaga ng gasoline kamakailan.
Idinahilan ng may 80 TODA sa QC ang halos wala na silang kinikita sa arawang pagpasada dulot ng epekto sa kanila ng pagtaas ng halaga ng gasoline.
Dahil dito, ang lahat ng TODA sa QC ay maniningil ng karagdagang P1 sa bawat pasahero nito mula Enero 25 kung kaya mula sa P5 ay magiging P6 na. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended