^

Metro

1 pang deboto ng Nazareno nasawi

- Danilo Garcia -
Isa pang deboto ng Black Nazarene ang nalagutan ng hininga sa loob ng Philippine General Hospital makaraang hindi makayanan ang tinamong mga sugat sa katawan dulot ng stampede sa kasagsagan ng prusisyon sa Quiapo, Manila.

Dakong alas-10 ng umaga nang ideklara ng PGH ang pagkamatay ng debotong si Ricardo Escobido.

Umakyat na sa dalawa ang nasawi sa prusisyon makaraang unang pumanaw ang biktimang si Reynante Martinez, 38, na unang nakilala sa alyas na "Dante" dahil sa tatak ng pangalan sa damit niyang suot.

Nabatid na nasawi si Martinez dahil sa tinamong mga sugat sa katawan at ulo nang malaglag sa isang open manhole at madaganan pa ng ibang deboto. Positibo naman itong kinilala ng kanyang asawa na si Rowena na nagtungo sa PGH.

Nasawi naman si Escobido na isa sa mga nakasampa sa karo ng Nazareno nang biglang mangasul ito pagkatapos kumain. Nanawagan naman ang mga doktor sa PGH sa mga kaanak nito upang kunin ang bangkay ng biktima.

Umabot naman sa higit 50 deboto ang nasugatan sa prusisyon bagama’t bahagya lamang kaya hindi na isinugod sa pagamutan. Ligtas na rin naman sa panganib ang 13 pang iba na isinugod sa PGH na pinauwi na matapos malapatan ng lunas.

Karaniwan na sa kasaysayan ng prusisyon ng Nazareno na magkaroon ng maraming sugatan dahil sa hilahan at pagtatangkang makahawak sa rebulto na nauuwi rin sa pagkamatay ng ilan tulad ng naganap nitong nakaraang Lunes.

BLACK NAZARENE

DAKONG

ESCOBIDO

ISA

KARANIWAN

LIGTAS

NAZARENO

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

REYNANTE MARTINEZ

RICARDO ESCOBIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with