^

Metro

2 Tsinoy kidnaper arestado

-
Dalawang hinihinalang kidnaper na pawang Fil-Chinese ang nadakip ng mga kagawad ng Manila Police District (MPD) at Central Police District (CPD) matapos na mabigong dukutin ang kanilang biktima at makabundol pa ng tatlong bystander nitong nakaraang Linggo.

Iprinisinta kahapon kay PNP Chief Director General Arturo Lomibao sa ika-105 anibersaryo ng MPD ang dalawang suspect na kinilalang sina Raffy Yongco, 18, ng #527 F. Manalo St., San Juan at Peter Lim, 23, hardware store agent at residente ng Unit 10 Horizon Plaza at Unit 330 Charlston Place, Aurora Blvd., San Juan.

Sa ulat ng MPD, naganap ang insidente dakong alas-12 ng tanghali nitong nakaraang Linggo sa may Pina St., Santol, Sta. Mesa, Maynila kung saan naghihintay ng masasakyan ang biktimang si Charlson King, 17, estudyante, residente ng Rm. 204 Atlantica Star Bldg., Navarra St., Sampaloc, Manila.

Bigla umanong sumulpot ang suspect na si Yongco at tinutukan ng patalim ang biktima bago inutusan na sumakay sa naghihintay na itim na Toyota Revo (WNN-708). Tinangka pang gamitan si King ni Yongco ng panyo na may pampatulog na chloroform ngunit nanlaban ang biktima na nagawang makapiglas at makatakbo.

Hinabol naman ito ng dalawang suspect ngunit nabangga ang tatlong bata na sina Sherlyn Vega, 11; Mark CD Labasa, 12; at Mark Bren Gonzales, 9, pawang mga residente ng Manga Avenue, Santol, Sta. Mesa. Agad na isinugod sa UERM Hospital ang mga biktima ng mga residente.

Nasukol naman ng mga galit na residente ang dalawang suspect kung saan nagawang makatakas ni Lim habang kinuyog naman ng taumbayan si Yongco bago isinuko sa Galas Police station ng Central Police District (CPD). Nadakip din naman si Lim sa isinagawang follow-up operations.

Nagreklamo naman sa MPD ang biktimang si King kung saan nakipag-ugnayan sa CPD na siyang nag-turn-over sa mga suspect. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ATLANTICA STAR BLDG

AURORA BLVD

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHARLSON KING

CHARLSTON PLACE

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

DANILO GARCIA

GALAS POLICE

SAN JUAN

YONGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with