^

Metro

Mag-ina patay sa sunog

-
Patay ang mag-ina makaraang ma-trap ito sa loob ng kanilang kuwarto nang masunog ang kanilang bahay dahil sa napabayaang kandila na nakalagay sa altar kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Magkayakap pa nang matagpuan ang mag-inang sina Jane, 27; at Irish Baylon, 8; sa ikalawang palapag sa loob ng kuwarto ng kanilang nasunog na bahay sa #5324 Diesel St., Brgy. Palanan ng lungsod na ito.

Ayon kay Makati City Bureau of Fire Protection officer-in-charge Chief Insp. Rogelio Bacayo, nagsimula ang nasabing sunog dakong alas-4:15 ng madaling-araw sa ground floor ng bahay ng mga Baylon.

Nabatid na napabayaan ang kandilang nakatirik sa altar ng Sto. Niño kaya nang matunaw ito ay mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan.

Nailigtas naman ng mga rumespondeng mga kapitbahay ang tatlo pang anak ni Baylon subalit dahil sa kapal ng usok ay hindi na nagawa pang mabalikan ang mga biktima kahit ng mga rumespondeng bombero.

Tumagal ang sunog ng halos isang oras na umabot sa ikalawang alarma habang wala namang iba pang kabahayan ang nadamay dito. (Edwin Balasa)

AYON

BAYLON

BRGY

CHIEF INSP

DIESEL ST.

EDWIN BALASA

IRISH BAYLON

MAKATI CITY

MAKATI CITY BUREAU OF FIRE PROTECTION

ROGELIO BACAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with