1 pang sawa namasyal sa QC
January 8, 2006 | 12:00am
Isang malaking sawa ang gumulantang sa mga residente ng Quezon City kahapon ng umaga.
Dakong alas-10:30 ng umaga nang matagpuan ang may walo hanggang sampung talampakang sawa sa panulukan ng Quezon Avenue at Pantranco, Brgy. Roxas District ng nasabing lungsod.
Ayon kay Alex Alon, 53, barangay tanod sa lugar nagpupumiglas pa ang sawa habang hinuhuli ito kaya nagulo maging ang mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan na humihimpil sa lugar.
Hinihinalang galing ang sawa sa mga talyer sa lugar o sa isang creek sa nasabing barangay.
Nakatakda namang dalhin sa Department of Environment and Natural Resources (DENR)- Parks and Wildlife ang sawa. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am