3 miyembro ng Navy, 1 pa tiklo sa ilegal na baril
January 7, 2006 | 12:00am
Apat katao kabilang ang tatlong aktibong miyembro ng Phil. Navy ang inaresto ng pulisya makaraang mahulihan ang mga ito ng walang lisensiyang baril, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Kinilala ang mga nadakip na sina SN2 Emmanuel Lumacang, 26, ng 2818 Upper Calarian, Zamboanga City; SIPH Roel Gadon, 35, ng Caloocan City; SW1 Sheila May Agustin, 28, pawang aktibong miembro ng Phil. Navy at Jesus Briones, 22, construction worker, ng Makati City.
Sa imbestigasyon ni PO3 Geminer Tingne, naaresto ang mga suspect dakong alas-9 ng gabi sa kahabaan ng Meralco Avenue ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na sakay ng dalawang Enduro-type motorcycle ang apat nang mapansin ng mga nagpapatrulyang tauhan ng pulisya dahil sa kahinahinalang kilos ng mga ito at may nakabukol na baril sa tagiliran ng isa sa mga suspect kaya sinita sila ng mga awtoridad.
Nakuha kay Lumacang ang isang kalibre .45 baril na walang lisensiya.
Nagpakilala ang mga suspect na mga security guard subalit ng kumpirmahin ng pulisya nabatid na ang tatlo ay pawang miyembro ng Navy.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga nadakip. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended