Patay na nang idating sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Almar Emer Chua, 16, 4th year high school at residente ng Gana Compound, Brgy. Unang Sigaw, Balintawak, Quezon City sanhi ng tinamong malalim na saksak sa kaliwang dibdib.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng MC Market di kalayuan sa Cloverleaf, Balintawak.
Naglalakad umano ang biktima kasama ang ilang kabarkada nang bigla na lamang itong salubungin at undayan ng saksak sa dibdib ng umanoy hindi nakikilalang adik sa nasabing lugar at saka mabilis na tumakas.
Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang hindi nakikilalang suspects. (Doris Franche)