Trader tinodas ang nobyo ng anak
January 7, 2006 | 12:00am
Nauwi sa malagim na krimen ang masayang inuman ng dapat sanay magiging magbiyenan matapos barilin ng isang negosyante ang nobyo ng kanyang anak, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Nasawi noon din makaraang tamaan ng bala ng baril sa mukha ang biktimang si Ken Mark Acuin, 17, ng 3141 Molave St., Manuguit, Tondo.
Pinaghahanap naman ngayon ang tumakas na suspect na nakilalang si Conrado Tolentino, 52, ng Blk. 10 Model Community, Chessa St., Tondo at tatay ng nobya ng nasawi.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang krimen dakong alas-10:30 ng gabi sa loob ng bahay ng mga Tolentino.
Nabatid na ipinatawag ng suspect ang kanyang mamanugangin na si Acuin sa isang inuman.
Napag-alaman na bago ang insidente, nakatakda na sanang ikasal si Acuin at ang anak ng suspect na si Joyce, 16 noong nakalipas na Disyembre 26.
Hindi ito natuloy makaraang mapagpasyahan ng asawa ni Tolentino na ipagpaliban ito at paabutin muna sa legal na edad ang dalawa.
Nasa gitna ng inuman ang suspect at ang biktima nang bigla na lamang barilin ng malapitan sa mukha ng una ang huli bago mabilis na tumakas.
Nagtataka naman ang marami sa ginawang pamamaslang ni Tolentino sa nobyo ng anak dahil sa nagkakaintindihan naman umano ang mga ito.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya, gayundin ang pagtugis sa suspect. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended