^

Metro

Huwarang bata umani ng pabuya at gantimpala

-
Umani ng pabuya at gantimpala ang isang 12-anyos na batang babae na nakapulot at nagbalik ng isang sobre na naglalaman ng malaking halaga at mga tseke, kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Kamuning Road at T. Gener St., sa Quezon City.

Pinangunahan nina Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. at Councilor Ariel Inton ang pagbibigay ng pabuya at parangal kay Cristina Bugayon, elementary pupil sa Tomas Morato Elementary School at residente ng K-8th St., Kamuning St., Quezon City.

Ayon kay Belmonte sa murang edad ni Bugayon ay hindi ito nasilaw sa pera at ito ay sa kabila na dumaranas ng hirap sa buhay ang pamilya nito. Si Bugayon ay isa sa walong magkakapatid na nakatira lamang sa maliit na barung-barong.

Lumilitaw na dakong alas-10:30 ng gabi nang mahulog ang sobre na naglalaman ng pera at tseke sa isang lalaking naka-motorsiklo na umaabot sa halagang P300,000 na nakapangalan umano sa Techpoint sa España, Maynila. Tinangka umano niyang habulin ang lalaki subalit mabilis umano ang takbo nito.

Agad namang ipinatago ni Bugayon sa kanyang tiyuhin ang pera sa pangamba na pag-interesan ng ibang tao habang humingi ito ng tulong sa ilang mamamahayag upang ipanawagan ang napulot niyang pera.

Dahil sa ipinakitang katapatan marami ang nangako ng suporta kay Bugayon kabilang dito ang scholarship niya sa apat na taong kurso sa kolehiyo. (Doris Franche)

BUGAYON

COUNCILOR ARIEL INTON

CRISTINA BUGAYON

DORIS FRANCHE

GENER ST.

KAMUNING ROAD

KAMUNING ST.

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

SI BUGAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with