8-anyos nakalusot sa highly security risk area ng NAIA
January 5, 2006 | 12:00am
Isang malaking palaisipan sa airport authorities kung paano nakapasok sa loob ng highly security risk area ng Ninoy Aquino International Airport (NAI) Terminal I ang 8-anyos na batang lalaki.
Ang bata na nagpakilalang si Cholo Cayunda ay nakita ni Norma Reyes, assistant chief ng Bureau of Customs sa departure area, na nakaupo sa boarding gate 10 at naghihintay na makasakay sa paalis na eroplano ng Thai Airways patungong Bangkok.
Sinabi ni Reyes na nagduda siya sa ayos ng bata dahil bagamat nakasuot ng long sleeves na polo shirt, itim na pantalon at rubber shoes ay kakaiba ang ayos nito dahil bukod sa madungis ay masangsang ang amoy nito at ang tanging dala ay maliit na supot na plastic.
Nilapitan ni Reyes ang bata at tinanong kung nasaan ang kanyang travel document pati na din ang kanyang kasama subalit wala siyang maipakitang dokumento at walang maiturong kasama.
Dinampot ni Reyes ang bata at itinurn-over sa bridge operator ng gate 10. Itinurn-over naman ng bridge operator ang bata kay Arnel Atis, supervisor ng day room sa departure area. Bago ibigay sa mga pulis ang bata ay pinaliguan muna ito at binihisan.
Sa pamamagitan ng interpreter, sinabi ni Cayunda na sumakay siya ng bus buhat sa Quiapo at nagpunta sa airport upang sundan ang kanyang inang si Gina na umanoy nasa Singapore.
Hindi masabi ng bata kung paano siya nakapasok sa departure area at kung paano siya umabot sa boarding gate 10.
Pati ang mga security guards at pulis na naka-duty sa gate at rampa ay hindi maipaliwanag kung paano nakalusot si Cayunda.
Ipinag-utos ni Gen. Atutubo na magsagawa ng imbestigasyon upang matukoy kung saan nagdaan ang bata. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am