^

Metro

4-anyos na paslit tinamaan ng meningo

-
Isang 4-anyos na batang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng nakamamatay na sakit na meningococcemia ang isinugod sa pagamutan, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Ang biktima, na residente ng minahan Brgy., Malanday ay isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center dakong alas-10 ng gabi sanhi ng sobrang taas ng lagnat at naglabasang kulay pulang batik sa katawan.

Kinumpirma naman ni Dr. Ricardo Lustre, director sa nasabing pagamutan na positibong meningo ang sakit ng biktima kaya agad nila itong ipinalipat sa San Lazaro Hospital matapos ang limang oras na pamamalagi sa emergency room ng Amang Rodriguez Medical Center.

Agad namang nagbigay ng mga antibiotics ang pamunuan ng Amang Rodriguez Medical Center sa kanilang mga doktor, nurse at staff na tumingin sa biktima.

Gayundin sa mga kaanak at kapitbahay ng bata, upang hindi na kumalat ang nakamamatay na sakit. (Edwin Balasa)

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BRGY

DR. RICARDO LUSTRE

EDWIN BALASA

GAYUNDIN

ISANG

KINUMPIRMA

MALANDAY

MARIKINA CITY

SAN LAZARO HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with