8 miyembro ng gold bar syndicate, timbog
January 3, 2006 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang walo katao na hinihinalang miyembro ng isang sindikato na nagbebenta ng pekeng bara ng ginto, kahapon ng umaga sa Ermita, Maynila.
Nakilala ang mga nadakip na sina Froilan Libre; Pablo de Vera; Edmund Villoria; Rolando Sendana; Rene Macanas; Felix Villoria; Salvador Cauilan at Romy Haranon, pawang taga-Pangasinan.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na nadakip ang mga suspect sa loob ng compound ng lumang gusali ng Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) sa may San Marcelino St., Ermita Maynila sa likod lamang ng MPD headquarters.
Itoy matapos na makatanggap ng ulat ang pulisya ukol sa mga kahina-hinalang katao na pumasok sa naturang compound. Dinakip ng mga tauhan ng District Intelligence and Investigative Division (DIID) ang walong suspect na sakay ng isang pampasaherong jeep na may plakangTWR-610.
Sinasabing isang kahon na hinihinalang naglalaman ng naturang mga pekeng bara ng ginto ang narekober sa sindikato. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended