Mag-asawa patay sa sunog
January 3, 2006 | 12:00am
Isang mag-asawang Tsinoy ang nasawi makaraang sumiklab ang isang sunog sa tinitirhan nilang gusali, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Nakilala ang mga nasawi na sina Lorenzo Ngo, 51, at misis nitong si Virginia, kapwa residente ng Josefa Building sa may panulukan ng Ilaya at Padre Rada St., Tondo.
Nabatid na kalahating katawan ni Lorenzo ang nasunog nang husto, habang suffocation naman ang ikinamatay ng misis nito.
Nakaligtas naman ang kanilang mga anak na sina Lorielyn, 17; Arlynet, 15; Lester at Mervin at ang yaya na si Linday.
Sa ulat ng Manila Fire Bureau, sumiklab ang sunog dakong alas-4:36 ng madaling-araw sa ikaanim na palapag ng Josefa building kung saan naninirahan sa Room 601 hanggang 604 ang pamilya Ngo.
Nabatid na binalikan pa ni Lorenzo ang imbakan nila ng tela upang iligtas ang mga ito at dito na siya nahagip ng naglalagablab na apoy. Bagamat tinangka ng mga bumbero na pasukin ito sa loob upang iligtas, kalahati na ng katawan nito ang nasunog.
Naapula ang sunog dakong alas-6:45 ng umaga ngunit kasalukuyan pa ring inaalam ang sanhi ng naturang sunog. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended