Killer sa Aquino-Galman tinodas ng kapwa preso
January 2, 2006 | 12:00am
Inatado ng kapwa preso ang sundalong inmate na convicted sa Aquino-Galman murder case makaraang ma-irita ang una sa huli sa loob mismo ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP), kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.
Hindi na umabot pa ng buhay sa NBP Hospital ang dating sundalo na si Sgt. Cordova Estello, 50-anyos, sanhi ng mga saksak sa dibdib buhat sa isang kitchen knife.
Sugatan naman at kasalukuyang ginagamot sa nabanggit na ospital si Manuel Ocenar, na isang rape convict makaraang mabaril ito sa tuhod ng isang prison guard ng NBP.
Sa sketchy report na nakarating sa tanggapan ni Bureau of Corrections Director Vicente Vinarao, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa loob ng Maximum Security Compound ng NBP.
Nabatid na unang nag-kantiyawan sina Estello at Ocenar sa hindi pa mabatid na dahilan na nauwi sa pananaksak ng huli sa una.
Binaril ng prison guard ang ayaw paawat na si Ocenar at agad kapwa dinala sa nabanggit na pagamutan ang mga ito subalit agad na binawian ng buhay si Estello.
Batay sa record ng pulisya, si Estello ay isa sa 15 akusado na nahatulan ng life sentence sa Aquino-Galman murder case.
Sa kasalukuyan ay isang masusing imbestigasyon naman ang isinasagawa ng pamunuan ng NBP hinggil sa nasabing insidente. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest