Pulis-Maynila kritikal
January 2, 2006 | 12:00am
Kritikal ang isang pulis matapos na barilin ito ng shot gun nang awatin nito ang dalawang grupo na nag-rambulan, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Kasalukuyang inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Hospital sanhi ng tama ng shot gun sa kaliwang bahagi ng katawan si PO1 Bobby Orit, 30-anyos, nakatalaga sa Paco Police Station ng Manila Police District Office at residente ng Block 63, Lot 62, Kawal Purok 5, Brgy. 28, Dagat-Dagatan, nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-11:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Tabing Ilog, Purok 5, Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Nabatid na papauwi na ang biktima kasama ang kaniyang asawa at kasalukuyang sakay ang mga ito ng taxi nang kanilang madaanan ang nag-aaway na dalawang grupo ng kalalakihan na pawang hindi nila kilala.
Agad na bumaba ang biktima sa taxi at inawat ang nag-aaway hanggang sa isang malakas na putok buhat sa shot gun ang narinig at nakita na lamang na duguang humandusay ang una sa kalsada.
Mabilis na nagsitakas ang mga nag-aaway, habang agad namang dinala sa nasabing pagamutan ang biktima na nasa kritikal na kondisyon ngayon. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest