^

Metro

Pulis at lady informer niratrat

-
Sinasabing droga ang dahilan sa pamamaslang sa isang pulis at sa isang lady informer nito na tinambangan at pinagbabaril ng anim na hindi kilalang armadong mga kalalakihan na pawang pinaniniwalaang mga ‘hired killers’, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente si SPO2 Emil Masi, 34, may-asawa na nakatalaga sa Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Group (SAID-SOG) ng North Caloocan City Police Station at residente ng #3-A A. F. Dela Cruz St., Maysan Valenzuela City sanhi ng mga tinamong tama ng bala mula sa .45 caliber at 9mm na mga baril.

Namatay naman habang ginagamot sa Dr. Rodriguez Memorial Hospital ang lady informer o ‘asset’ nito na si Cassandra Francisco, 26-anyos, ng San Antonio St., Area D., Camarin, Caloocan City na tinamaan naman sa ulo at leeg.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Kiko-Camarin Road, Brgy. 178, Caloocan City. Lulan ng owner-type jeep ang mga biktima nang biglang harangin at pagbabarilin ng mga suspect na pawang nakasakay ng motorsiklo. (Rose Tamayo)

A A

AREA D

CALOOCAN CITY

CASSANDRA FRANCISCO

DELA CRUZ ST.

DR. RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS GROUP

EMIL MASI

KIKO-CAMARIN ROAD

MAYSAN VALENZUELA CITY

NAMATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with