Kaugnay nito, inilabas na kahapon ng umaga ng pulisya ang anim na cartographic sketches ng mga suspect na kinabibilangan ng isang babae at dalawang litrato pa ng mga suspect.
Sa panayam ng PSN kay P/SSupt. Moises Guevarra, sinabi nito na bilang na ang araw ng mga suspect dahil tukoy na nila ang mga lugar na posibleng pagtataguan pa ng mga ito.
Sinabi pa ni Guevarra na hawak na nila ang mga matitibay na ebidensiya na magdidiin sa pangunahing suspect na hindi muna pinapangalanan na kinabibilangan ng nakuhang plano ng ambush mula sa nasawing suspect na napabilang sa apat na nasawi.
Ang nasabing suspect na nagawa pang madala ng mga kasamahan nito sa Pagamutang Bayan ng Malabon at nasawi din paglipas ng ilang oras ay wala pa ring linaw ang pagkakakilanlan nito.
Magugunita na dakong alas-10 ng umaga noong Disyembre 29, 2005 nang mangyari ang madugong ambush sa Malabon na ikinasawi ng tatlong tauhan ni San Pablo at ikinamatay naman ng isang suspect.
Malubhang nasugatan sa nasabing insidente ang 53-anyos na si San Pablo at isang Rosenda Gutierrez na yaya nito. (Rose Tamayo)