^

Metro

Kasosyo ng fish trader, primary suspect sa ambush

-
Awayan sa negosyo ang lumalakas na motibo sa pananambang na naganap kamakailan sa Malabon City na ikinasawi ng apat katao at malubhang ikinasugat naman ng dalawa makaraang target ngayon ng manhunt ng pulisya bilang pangunahing suspect ang business partner ni fish trader magnate Alicia San Pablo,.

Kaugnay nito, inilabas na kahapon ng umaga ng pulisya ang anim na cartographic sketches ng mga suspect na kinabibilangan ng isang babae at dalawang litrato pa ng mga suspect.

Sa panayam ng PSN kay P/SSupt. Moises Guevarra, sinabi nito na bilang na ang araw ng mga suspect dahil tukoy na nila ang mga lugar na posibleng pagtataguan pa ng mga ito.

Sinabi pa ni Guevarra na hawak na nila ang mga matitibay na ebidensiya na magdidiin sa pangunahing suspect na hindi muna pinapangalanan na kinabibilangan ng nakuhang plano ng ambush mula sa nasawing suspect na napabilang sa apat na nasawi.

Ang nasabing suspect na nagawa pang madala ng mga kasamahan nito sa Pagamutang Bayan ng Malabon at nasawi din paglipas ng ilang oras ay wala pa ring linaw ang pagkakakilanlan nito.

Magugunita na dakong alas-10 ng umaga noong Disyembre 29, 2005 nang mangyari ang madugong ambush sa Malabon na ikinasawi ng tatlong tauhan ni San Pablo at ikinamatay naman ng isang suspect.

Malubhang nasugatan sa nasabing insidente ang 53-anyos na si San Pablo at isang Rosenda Gutierrez na yaya nito. (Rose Tamayo)

ALICIA SAN PABLO

MALABON

MALABON CITY

MOISES GUEVARRA

PAGAMUTANG BAYAN

ROSE TAMAYO

ROSENDA GUTIERREZ

SAN PABLO

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with