^

Metro

Vendor binoga sa harap ng puwesto

-
Patay ang isang 43-anyos na vendor makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa harapan ng kanyang puwesto sa tiangge, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Ang biktima na agarang nasawi sanhi ng tatlong tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ay nakilalang si Omar Iman, ng Paniqui, Tarlac, samantala mabilis na tumakas ang hindi pa kilalang suspect na nakasuot lang ng short, t-shirt na puti at waway cap.

Sa imbestigasyon ni PO3 Glen Aculana, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi habang nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang tindahan sa isang tiangge sa River Bank na matatagpuan sa Brgy. Sto. Niño ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na bigla na lang sumulpot ang suspect na armado ng nasabing kalibre ng baril at malapitang binaril ang biktima at pagkatapos ay mabilis na humalo sa mga taong namimili sa lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ni Aculana na kapwa Muslim ng biktima ang pumaslang dito dahil sa pagiging ilegal vendor nito at makailang beses na rin umano itong sinabihan ng mga kasama na pumarehas dahil nagbabayad ng upa sa puwesto ang iba. (Edwin Balasa)

ACULANA

BRGY

EDWIN BALASA

GLEN ACULANA

LUMALABAS

MARIKINA CITY

NABATID

OMAR IMAN

PANIQUI

RIVER BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with