German national natagpuang patay

Nagpakamatay ba o pinatay ?

Ito ang dalawang anggulong iniimbestigahan ng pulisya makaraang matagpuan ang bangkay ng isang German national na bise presidente ng isang kompanya sa loob mismo ng kanyang sasakyan sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Harold Hess, 60, ng #14 Carbine Loop Alabang 400, Brgy. Cupang ng nabanggit na lungsod. Ang nasawi ay Vice-president ng BX Pan Globe ay napag-alamang nagtamo ng tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre .45 baril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang matagpuan ang bangkay nito sa nakaparadang sasakyan nitong Honda Accord na may plakang WME -147 sa Don Jesus Boulevard sa Alabang Hills, Muntinlupa City.

Napadaan ang isang tricycle driver na si Catalino Gali, 50 at napansin nito na duguan ang harapan ng windshield ng sasakyan kung kaya’t agad niya itong ipinagbigay alam sa mga awtoridad.

Inaalam pa ng pulisya kung may foul play o sadyang nagpakamatay ang biktima. (Lordeth Bonilla)

Show comments