^

Metro

Manhunt vs killer ng ABS-CBN cameraman

-
Isang manhunt operation ngayon ang isinasagawa ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa dalawang suspect na bumaril at pumatay sa cameraman ng ABS-CBN, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan Jr. pinakakalap na niya ang lahat ng mga testigo upang magbigay ng detalye hinggil sa pagkakakilanlan at itsura ng mga suspect na sinasabing magka-angkas sa motor ng isagawa ang pamamaril kay Roberto Ramoya.

Inihahanda na rin ang cartographic sketch ng mga suspect upang agad na maipakalat sa publiko at madakip at masampahan ng kaukulang kaso.

Si Ramoya ay nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa dibdib na lumusot sa kanang balikat at sa kanang kamay nito habang mabilis namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang suspect na kapwa armado umano ng kalibre .45 baril at magka-angkas sa hindi naplakahang motorsiklo.

Pinasisiyasat din ni Radovan ang anggulo na pagpapautang ng biktima kung posibleng motibo sa isinagawang pagpaslang.

Batay sa rekord ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi nang paputukan ng mga suspect ang biktima sa parking area na nasa bahagi ng Mother Ignacia St. malapit sa compound ng ABS-CBN. (Doris Franche)

AYON

BATAY

CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

MOTHER IGNACIA ST.

NICASIO RADOVAN JR.

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROBERTO RAMOYA

SI RAMOYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with