^

Metro

Paslit 3-taon sex-slave ng ama

-
Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang ama makaraang mabunyag ang paulit-ulit nitong panggagahasa sa kanyang sariling anak sa Quezon City, kahapon.

Kinilala ni Senior Insp. Benjamin Elenzano, hepe ng Station Investigation Bureau ng QCPD Anonas Station ang suspect na si Raul Yancha, 33, ng #B-7 Kaingin Road, Brgy. Pansol, Quezon City.

Batay sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Karen, 12, out-of-school youth, sinimulan siyang gahasain ng ama noong siya ay 9-taong gulang pa lamang hanggang sa paulit-ulit at maging araw-araw.

Aniya, tuwing wala ang kanyang ina ay doon siya pinagsasamantalahan at tinatakot pa ito na papatayin kapag nagsumbong sa kanyang ina.

Kamakalawa ng gabi, dakong alas-11 nang maaktuhan ng ina ng biktima na kapwa hubo’t hubad ang biktima at asawa nito na magkapatong.

Dito kinumpronta ng babae ang asawa subalit mabilis itong nagtatakbo na agad ding nasukol ng mga nagpapatrulyang barangay tanod.

Pagdating sa himpilan ng pulisya, ibinunyag ni Karen ang kanyang mapait na sinapit sa kamay ng sariling ama. (Doris Franche)

vuukle comment

ANIYA

ANONAS STATION

BATAY

BENJAMIN ELENZANO

DORIS FRANCHE

KAINGIN ROAD

QUEZON CITY

RAUL YANCHA

SENIOR INSP

STATION INVESTIGATION BUREAU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with