^

Metro

Paniniket tuloy — Chairman Fernando

-
Nagbaba ng direktiba si MMDA Chairman Bayani Fernando sa kanyang mga tauhan na ituloy ang paniniket sa mga traffic offenders pero iniutos nito na huwag mangumpiska ng mga lisensiya ng drivers.

Bukod dito, hindi na nagbigay pa ng anumang komento si Fernando kaugnay sa nasabing isyu kasabay nang pagsasabing hanggang sa ngayon ay hindi nito natatanggap ang Supreme Court decision.

Ayon sa ilang detractors ng MMDA, ginagawa umanong "palabigasan" ng ahensiya ang ticketing system kung kaya ayaw nilang bumitaw dito.

Ayon kay Florencio Mateo, hepe ng Pasay City Traffic Management Office na kumikita ng P80 milyong piso kada buwan sa paniniket ang MMDA at 20 porsiyento lamang nito ang napupunta sa mga deputized local traffic enforcers.

Iginiit pa ni Mateo na tinanggalan na ng power ng SC ang MMDA dahil simula’t sapul ay coordinating body lamang ang naturang ahensiya at walang malinaw na batas na nag-aapruba na sila ay may police power. (Lordeth Bonilla)

AYON

BUKOD

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

FERNANDO

FLORENCIO MATEO

IGINIIT

LORDETH BONILLA

MATEO

PASAY CITY TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with