Seaman hulog sa ilog, tigok
December 28, 2005 | 12:00am
Nasawi ang isang seaman matapos itong malunod nang mahulog sa isang ilog habang dyumi-jingle sa Navatos kahapon ng umaga.
Patay na nang matagpuang lumulutang sa Malabon-Navotas River si Ramon Tesoro, 50, binata, empleyado ng Maria Fe Fishing Corporation at residente ng nasabing bayang dakong alas-7 ng umaga.
Nabatid na nakipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kasamahan at nang malasing ay nagpauna na ito sa kanilang lantsa na nasa pantalan ng Pier 4 sa Navotas.
Ayon sa ilang kasamahan ng biktima, dakong alas-2 ng madaling-araw nang huli nilang makita ang biktima na nagpunta sa gilid ng lantsa upang umihi hanggang sa makita na ito nang mag-umaga na lumulutang malapit sa lantsa.
Hinihinala naman ng mga awtoridad na maaaring nawalan ng panimbang ang biktima habang umiihi at tumama ang ulo nito sa gilid ng pantalan.
Sa isinagawang ocular inspection ng mga awtoridad, nagtamo ng malaking sugat ang biktima sa ulo na hinihinalang bunga ng pagkahulog. Nakuha rin sa bulsa nito ang wallet na may lamang pera at ang ginagamit na cellphone.
Gayunman, masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya upang alamin kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended