2 patay sa sumabog na vintage bomb
December 27, 2005 | 12:00am
Dalawa katao ang agad na nasawi matapos na sumabog ang isang pinaniniwalaang vintage bomb sa Quezon City, kahapon ng hapon.
Dead-on-the-spot ang mga biktima na nakilalang sina Valeriano Bulado, matapos na humiwalay ang ulo sa katawan at isang alyas Boy Villar na halos maputol naman ang katawan sanhi ng malakas na pagsabog.
Habang sugatan naman ang mga kasamahang sina Geremias Bulado at Adonis Reyes, 36, pawang mga tubong-Isabela at contractor ng Safety Bus Erections and Development.
Sa inisyal na ulat ni Supt. Rudy Jaraza, hepe ng QCPD-District Police Intelligence Unit (DPIU), naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa tabi ng Shell gasoline station sa may Philcoa Elliptical Road, Quezon City.
Lumalabas na nag-uumpisa pa lamang na maghukay ang mga biktima upang magtayo ng kanilang barracks sa lugar nang bigla na lamang umanong sumambulat ang bomba na pinaniniwalaang itinanim noon pang panahon ng World War II.
Samantala, patuloy pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad sa nasabing insidente habang inaalam pa rin ng Special Weapons and Tactics (SWAT) kung anong uri ng bomba ang sumabog sa nasabing lugar. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended