^

Metro

QC fire: Mag-ina dedo

-
Nalitson nang buhay ang mag-ina, habang dalawa pa katao ang nasugatan kabilang ang 2-month old baby sa sunog na naganap sa ilalim ng C-5 flyover sa Project 4, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Bukod dito, tinatayang aabot sa 500 kabahayan ang naabo sa naganap na sunog.

Nakilala ang nasawing mag-ina na sina Maryjane Abrigo, 24; at anak nitong si Joanna Mae, 4, ng Brgy. Escopa, Project 4, Quezon City.

Patuloy namang ginagamot sa Quirino Memorial Medical Center ang sugatang mag-tiyo na sina Martin Alcantara, 40; at pamangking si Carlo Mendoza, 2 -month old, na kapwa nagtamo ng 2nd degree burns sa kanilang mga katawan.

Sa inisyal na pagsisiyasat, sinabi ni Inspector Reynaldo Quirante, deputy operation chief ng QC Fire District, na nagsimula ang sunog ganap na ala-1 ng madaling-araw sa ilalim ng flyover ng C-5 sa nabanggit na barangay.

Sinasabing isang Fely Paulino at Butchoy ang nag-aaway sa loob ng bahay hanggang sa biglang binato ang nakasinding gasera sa may pintuan ng bahay. Sumabog ito at saka nagliyab.

Mabilis na kumalat ang apoy sa kalapit-bahay kung saan habang papalabas ang mag-inang Abrigo ay napaikutan na agad ang mga ito ng apoy. Hindi na nakalabas pa ang mag-ina na natusta sa mabilis na paglagablab ng apoy.

Samantala, nabagsakan naman ang mag-tiyo ng nagliliyab na kahoy at yero sa kanilang katawan.

Mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa may 500 kabahayan.

Samantala, matapos na maapula ang sunog ay hindi na nakita pa si Fely at Butchoy na sinasabing pinagsimulan sa naganap na sunog at mabilis na itong nagsitakas.

Limang oras na tumagal ang sunog at 3,000 pamilya ang nawalan ng bahay. Agad namang nagbigay ng tulong ang pamahalaang lungsod sa mga naapektuhan ng sunog. (Angie Dela Cruz)

ANGIE DELA CRUZ

BUTCHOY

CARLO MENDOZA

FELY PAULINO

FIRE DISTRICT

INSPECTOR REYNALDO QUIRANTE

JOANNA MAE

MABILIS

MARTIN ALCANTARA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with