^

Metro

Banko sa Makati nilooban

-
Tinitingnan ang anggulong ‘inside job’ makaraang nakawan ng mga baril na tinatayang nasa daang libong piso ang halaga ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang head office ng Planter’s Bank, kahapon ng umaga sa Makati City.

Ayon kay Isagani Milon, 45-anyos, security manager ng FCA Security Agency and General Services at nakatalaga sa naturang banko na dakong alas-5:20 ng umaga nang madiskubre ng kanyang tanggapan na nawawala ang walong caliber .38 Armscor mismo sa loob ng Planter’s Bank na matatagpuan sa 3314 Sen. Gil Puyat Avenue, nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na ang naturang mga armas ay service firearm na ginagamit ng mga nakatalagang guwardiya ng nabanggit na banko.

Sa ngayon ay blangko pa ang pulisya kung sino ang mga taong responsable sa nabanggit na nakawan.

Hindi naman inaalis ang anggulong ‘inside job’ sa nasabing insidente kung saan ay masusing iimbestigahan ang mga nakatalagang guwardiya at ilang mga empleyado ng banko. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARMSCOR

AYON

GIL PUYAT AVENUE

ISAGANI MILON

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

NAPAG

SECURITY AGENCY AND GENERAL SERVICES

TINITINGNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with