4 katao kritikal
December 25, 2005 | 12:00am
Apat katao ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang isang bodega ng mga paputok, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.
Unang dinala sa Tondo Medical Center bago inilipat sa Jose Reyes Medical Center sanhi ng malalang pinsala sa ibat ibang parte ng katawan ang mga biktima na sina Kim Celshior, 15; Christopher Sol, 20; Julius del Rosario, 25 at Dennis Labigan, 27, na pawang mga residente ng Hasa-hasa St., nabanggit na lungsod.
Hindi naman nakuha pa ang pangalan ng iba pang nasugatan sa nasabing insidente habang isinusulat ang balitang ito.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:35 ng hapon nang maganap ang isang malakas na pagsabog sa loob ng Ganzaz Bakery sa may kahabaan ng Hasa-hasa St., Brgy. Longos, Malabon City.
Nabatid na bago ang insidente ay nakitang nag-iinuman ang mga panadero ng nasabing panaderya na sina Rosario at Labigan sa harap mismo ng naturang establisimyento nang bigla na lamang sumabog ang katabing gusali nito na ginawang bodega ng mga paputok o firecrackers.
Dahil sa tindi ng lakas ng pagsabog ay lumikha ito ng apoy na ikinatupok ng panaderya at bodega.
Agad namang naagapan ang pagkalat pa ng apoy sa mga karatig gusali at kabahayan sa nabanggit na lugar dahil sa mabilis na pagresponde ng Malabon City Fire.
Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na sumabog ang mga paputok sa bodega dahil sa init na sanhi ng oven ng panaderya na nakadikit sa semento na dingding ng imbakan ng mga paputok.
Kasalukuyan namang iniimbistigahan ng mga awtoridad ang nakalap na impormasyon na may pagawaan ng paputok na lusis sa mismong loob ng nasabing panaderya na may permiso mula sa ilang opisyal ng barangay.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-imbak o pagtayo ng pagawaan ng mga paputok sa mataong lugar at may mga nakatakdang lugar para sa paggawa ng nasabing produkto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest