^

Metro

Traffic cops wawalisin sa kalsada

-
Nakatakdang maglaho na ngayon sa mga kalsada sa buong Metro Manila ang mga traffic police ng PNP-Traffic Management Group matapos magpalabas ng kautusan si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Dir. Vidal Querol na ilipat ang mga ito sa istasyon ng pulisya.

Sa pahayag ng Manila’s Finest Brotherhood Association, nabatid na 50% ng mga traffic cops sa Maynila at iba pang lungsod sa Metro Manila ang tatanggalin sa mga kalsada at gagawing mga ordinaryong pulis sa mga istasyon.

Pawang mga traffic investigator na lamang at mga tauhan sa opisina ng Manila Traffic Bureau ang matitira na siyang 50%.

Maiiwan naman ang responsibilidad sa pagmamando sa daloy ng trapiko sa buong Metro Manila sa mga traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga traffic aide ng mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Manila’s Finest President SPO2 Antonio Emmanuel na inaasahan ngayon na lalong magkakabuhul-buhol ang trapiko sa buong Metro Manila pagsapit ng Enero 2006 kapag tuluyang naipatupad ang kautusan.

Sinabi nito na nakatakda siyang makipagpulong ngayong araw kay PNP Chief, Director General Arturo Lomibao sa pagdalaw nito sa MPD ukol sa hinaing ng mga traffic police sa pagtanggal sa kanila sa kanilang matagal nang trabaho sa kalsada.

Bukod sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko, malaking kontribusyon din ng mga traffic police ang paglaban sa krimen sa mga kalsada, police visibility at tanungan ng mga taong nawawala. (Danilo Garcia)

ANTONIO EMMANUEL

CHIEF DIR

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

FINEST BROTHERHOOD ASSOCIATION

FINEST PRESIDENT

MANILA

METRO MANILA

TRAFFIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with