^

Metro

Tomboy iniwan ng girlfriend nagbigti

-
Minabuti ng isang tomboy na magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti makaraang iwanan ito ng kanyang nobya, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Patay na nang matagpuan si Reseneth Nato, 19, AB Psychology student ng Block 7, Lot 17, David St., North Olympus, Brgy. 172 ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-2:55 ng hapon ng madiskubre ang bangkay ng biktima ng kanilang katulong na si Ednalyn Banayo na nakabitin sa metal grill ng bintana sa laundry area gamit ang cable wire.

Nabatid na bago ang insidente, minsan na ring nagbalak na magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng paglaslas sa pulso matapos na hiwalayan ito ng kanyang girlfriend.

Ayon pa sa kamag-anak ng biktima, labis na napamahal ang nasawi sa girlfriend nito at nang maputol ang kanilang relasyon ay naging malungkutin na ito hanggang sa matagpuang patay.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. (Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BRGY

CALOOCAN CITY

DAVID ST.

EDNALYN BANAYO

KASALUKUYAN

MINABUTI

NORTH OLYMPUS

RESENETH NATO

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with