^

Metro

3 tauhan ng BI sinibak sa pagpuga ng 3 presong dayuhan

-
Sinibak na sa kani-kanilang tungkulin ang tatlong jail guards ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa pagkakatakas ng tatlong dayuhang inmate sa detention cell nito sa Camp Bagong Diwa.

Ang mga jailguards na tinanggal sa kanilang trabaho ay kinabibilangan nina Carlos Garcia, miyembro ng BI Civil Security Unit; Antonio Tantay at Ray Abrau, kapwa contractual confidential agent.

Iniutos ni BI Commissioner Alipio Fernandez Jr. ang pagsibak sa nabanggit na mga jail guards makaraang mapag-alaman na ang mga ito ang siyang duty ng gabing makatakas ang tatlong dayuhan na pawang may mga kinakaharap na kasong may kaugnayan sa droga.

Lumalabas sa ulat na ang tatlong mga inmates ay nakatakas sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana ng kanilang selda makaraang lagariin umano ng suspect na si Sri Lankan Keerthi Jamayaha ang bakal sa nabanggit na bintana.

Gayunman, tiniyak ni Fernandez na masasakote sa lalong madaling panahon ang tatlong nabanggit na pugante dahil hindi makalalabas ng bansa ang mga ito sa kawalan ng pasaporte at anumang travel documents.

Isang komite naman ang binuo upang alamin kung mayroong naganap na sabwatan sa pagitan ng mga jail guards at tumakas na mga dayuhan. (Grace Amargo dela Cruz)

ANTONIO TANTAY

BUREAU OF IMMIGRATION

CAMP BAGONG DIWA

CARLOS GARCIA

CIVIL SECURITY UNIT

COMMISSIONER ALIPIO FERNANDEZ JR.

GRACE AMARGO

RAY ABRAU

SRI LANKAN KEERTHI JAMAYAHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with