14 na sasakyan sinuyod ng lasing na drayber
December 22, 2005 | 12:00am
Umabot sa labing-apat na sasakyan ang naiulat na napinsala makaraang banggain ito ng isang kotse na minamaneho ng isang umanoy lasing na drayber habang nakaparada ang mga ito sa Metrowalk mall kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Kinilala ang suspect na si Kevin Khse, residente ng South Drive, Gilmore st., New Manila Quezon City.
Ayon sa ulat ng Traffic Division ng Eastern Police District (EPD), naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa parking lot ng Metrowalk na matatagpuan sa Ortigas Extension sa kahabaan ng Meralco Avenue ng lungsod na ito.
Nabatid na sakay ng kanyang Honda Accord na may plakang UKD-148 ang suspect palabas ng nasabing mall nang magsimulang pagbabanggain ang mga sasakyang nakaparada dito.
Kabilang sa mga napinsalang sasakyan ay ang Toyota Camry (USV-764), Mitsubishi Lanser (TSU-462), Nissan Altis (UHU-668), Toyota Vios (TBP-734), Toyota Corolla Taxi (NYU-587) at ang Mitsubishi L-300 van (UGH-757).
Napag-alaman na hindi lang siyam ang nabanggang sasakyan ng suspect kundi umabot ito sa 14 subalit hindi na nagreklamo ang iba pa.
Kakasuhan ng reckless imprudence resulting to damage to property ang suspect. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended