^

Metro

Trak-trak ng piniratang VCD at DVD nasamsam sa Quiapo

-
Libu-libong piraso ng mga piniratang video compact discs at digital video discs ang kinumpiska ng mga tauhan ng Optical Media Board at Regional Special Action Force (RSAU) nang sorpresang sumalakay sa commercial area ng Quiapo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Dakong alas-5:30 ng madaling-araw nang lusubin ng mga tauhan ng OMB at RSAU ang mga tindahan ng mga vcd at dvd sa may Elizondi at Arlegui Sts. sa Quiapo. Nabatid na armado ng may 190 seacrh warrant ang OMB buhat sa Manila Regional Trial Court matapos na mabatid na talamak at lantaran nang pagbebenta ng mga iligal na vcd at dvd sa lungsod ng Maynila.

Isinakay ang mga nakumpiska na aabot sa milyong halaga sa limang van at mga trak. Walang nagawa ang mga may-ari ng tindahan at mga tindero sa mga trauhan ng OMB dahil sa suportang ibinigay ng pulisya sa operasyon.

Umangal naman ang ilang mga tindera dahil sa hindi umano kasama ang kanilang mga stall sa mga nakalagay sa search warrant ngunit nilimas pa rin ang kanilang mga paninda. Sinabi rin ng mga ito na akala nila ay wala nang raid dahil nakatimbre naman sila sa MPD-Station 3.

Sinabi naman ni OMB Chairman Edu Manzano na ang operasyon ay bahagi ng pinaigting nilang kampanya laban sa mga pirated vcd ar dvd lalo na at nalalapit ang Metro Manila Film Festival. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARLEGUI STS

CHAIRMAN EDU MANZANO

DANILO GARCIA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MAYNILA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

OPTICAL MEDIA BOARD

REGIONAL SPECIAL ACTION FORCE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with