^

Metro

Nangungulit sa pamasko, pinalo sa ulo

-
Putok sa ulo ang ibinigay na aginaldo ng isang lalaki sa kanyang kapitbahay nang pukpukin ng bote sa ulo ang una matapos na maasar ang huli dahil sa paulit-ulit na panghihingi ng pamasko ng biktima, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ginagamot sa Pagamutan Bayan ng Malabon sanhi ng malaking putok sa ulo si Eliseo Luque, 33, ng 2 Gumamela St., Brgy. Longos ng nabanggit na lungsod.

Arestado naman at nakakulong si Nelson Manguli, 27 at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-11 ng maganap ang insidente sa harap ng bahay ng suspect.

Nabatid na nakikipag-inuman sa ilang kapitbahay ang suspect nang dumating ang biktima at paulit-ulit na nanghingi ng aginaldo sa una.

Nang makulitan ang suspect ay dumampot ito ng bote at ipinalo sa ulo ng biktima. (Rose Tamayo)

vuukle comment

ARESTADO

BRGY

ELISEO LUQUE

GINAGAMOT

GUMAMELA ST.

LONGOS

MALABON CITY

NELSON MANGULI

PAGAMUTAN BAYAN

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with