Binaril na bodyguard ni Mayor Oreta, patay na
December 20, 2005 | 12:00am
Pumanaw na ang close-in bodyguard ni Malabon City Mayor Canuto "Tito" Oreta na binaril kamakailan habang nagpapahangin sa labas ng kanyang bahay, ayon sa ulat kahapon.
Batay sa nakalap na impormasyon, dakong alas-4 kamakalawa ng madaling araw nang bawian ng buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa ibat ibang parte ng katawan ang biktima na si Romy Gahuman, 46-anyos ng Block 12, Area 3, Brgy. Longos, Malabon City.
Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin matukoy ng pulisya ang pinagtataguan ng suspect na nakilala lamang sa alyas na "Danny Toyo".
Magugunita na si Gahuman ay binaril ng suspect habang ang una ay nagpapahangin sa labas ng kanyang bahay sa nabanggit na lugar noong Disyembre 15, 2005, dakong alas-5 ng hapon.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Mayor Oreta sa pulisya dahil hanggang sa kasalukuyan ay wala pang magandang kahinatnan sa kaso ng pamamaslang sa biktima at motibo sa pagkakapaslang dito. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended