Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 nang hagisan ng M2K hand grenade ang nasabing palengke ng pinaghahanap pa na suspect.
Bagamat may ilang mga tindera at mamimili ang bahagyang nasugatan sanhi ng pagtakbuhan ay wala namang iniulat na nasawi o napinsala sa nasabing insidente dahil sa maagap na pagresponde ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Special Weapon and Tactics (QCPD-SWAT) na nagawang makuha ang granada na sumabit sa bubungan ng gusali ng palengke.
Nabatid sa SWAT na pumalya ang pagsabog ng granada at kung nagkataon na sumambulat ito ay malaking pinsala sa tao at sa mga stalls ng palengke ang magiging dulot nito.
Agad namang inatasan ni QCPD Dir. Gen. Nicasio Radovan ang lahat ng station commanders sa kaniyang kinasasakupan sa agarang pagpapatupad ng police check points sa lungsod upang hindi malusutan ng mga terorista na nagbabalak maghasik ng karahasan sa lungsod partikular na sa Kapaskuhan. (Doris Franche)