Noli suportado ng 2 QC councilor
December 17, 2005 | 12:00am
Nagpahayag ng suporta sa programang pabahay ni Vice President Noli de Castro ang dalawang konsehal ng Quezon City matapos na ihain ang ordinansa na naglalayong pagaangin ang pagkakaroon ng pabahay ng mga mahihirap.
Ayon kina QC 2nd District Councilor Winston Castelo at Junie Marie Castelo ng Sangguniang Kabataan (SK), layunin ng ordinansa na hindi na pagbayarin pa ang mga benipisaryo ng Community Mortgage Program (CMP) ng permit para sa locational clearance, building permit at development.
Sinabi ng nakatatandang Castelo na nais nilang tulungan ang pamahalaan na maipatupad ang housing program na kasalukuyang pinamamahalaan ni De Castro na chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).
Ipinaliwanag naman ng SK representative sa city council na handa silang alalayan ang Urban Poor Office, City Planning and Development Office, Subdivision Administration Office at Engineering Department sa mga CMP beneficiaries sa oras na maaprubahan ang kanilang ordinansa. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended