^

Metro

Ex-political leader ni Lacson, ligtas sa granada

-
Isang dating political leader ni Senator Panfilo Lacson at kasama nitong pulis ang nakaligtas matapos na hindi sumabog ang isang granadang itinanim sa sasakyan ng mga ito kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Batay sa report na tinanggap ni Supt. Mario Soriano, hepe ng Quezon City Police District-Kamuning Police Station, itinanim ang MK2 grenade dakong alas-10 kamakalawa ng gabi sa ilalim ng kanilang sasakyang Nissan Sentra na may plakang TSZ-805.

Nabatid na nakaparada ito sa tapat ng Camelot Hotel sa Mo. Ignacia St. Brgy. South Triangle, Quezon City nang madiskubre ng mga awtoridad.

Sa pahayag ni Gerald De Quina, dating political leader ni Lacson, nagulat sila ng mapansin ang fragmentation grenade na nakatali sa ilalim ng gulong ng kanyang sasakyan.

Kasama ni De Quina si PO3 Arcel Razullar galing sa isang miting sa loob ng hotel nang makita nila ang isang granada bago paandarin ang sasakyan.

May hinala naman ang pulisya na posibleng kalaban sa pulitika ang responsable sa pagtatanim ng granada. (Doris Franche)

ARCEL RAZULLAR

CAMELOT HOTEL

DE QUINA

DORIS FRANCHE

GERALD DE QUINA

IGNACIA ST. BRGY

MARIO SORIANO

NISSAN SENTRA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-KAMUNING POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with