Helper, utas sa truck

Patay ang isang 34 anyos na truck helper nang maatrasan ng towing truck na pinaglilingkuran nito kahapon ng umaga sa Taguig City.

Dead-on-arrival sa Taguig Pateros District Hospital ang biktimang si Diosdado Talin ng Sambuena Compound, Cainta, Rizal habang nasa custody naman ang driver na si Felimon Kiamco. Nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Ronald Demaguila ng Traffic City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas 5:45 ng umaga sa C5 Road Sitio Maliwanag, Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Nabatid na hahatakin ni Kiamco ang isang cargo truck habang nasa likuran naman ni Talin na naglalagay ng kadena.

Hindi napansin ni Kiamco na naatrasan niya si Talin na naipit sa ilalim ng sasakyan. (Lordeth Bonilla)

Show comments